SEARCH MANILA CONCERT SCENE

Wednesday, April 3, 2013

4 DA VOTE: Four times two na saya at tawanan sa 2013!


4 DA VOTE:  Four times two na saya at tawanan sa 2013!
 
Nagbabalik ang dynamic team ng apat sa mahuhusay na comedy performers na sina Pokwang, Pooh, Chokoleit at K Brosas sa pinaka-riot na show ngayong 2013 na 4 DA VOTE!  

Mula sa hit comedy show nila na 4 DA BEST, muling magsasanib-pwersa ang apat na komedyante sa 4 DA VOTE na itatanghal sa Music Museum sa 
April 19, 20, 26 and 27 at 8 pm.


Ang subok na sa de-kalibreng comedy shows na si Andrew de Real ang director at writer ng 4 DA VOTE. Siya rin ang namahala at nagsulat para sa 4 DA BEST.

Garantiyado na four times two ang hatid na saya at katatawanan ang maasahan sa 4 DA VOTE na swak na swak sa panahon ng eleksyon ngayon sa Pinas.

I-spoof ulit ni Pokwang ang controversial mom ni Ruffa Gutierrez na si Anabelle Rama na ngayo’y susubukang sumabak sa politika sa unang pagkakataon. Habang si Pooh ay i-spoof for the first time ang Senatoriable candidate na si Cynthia Villar at ang dahilan ng ikinairita sa kanya ng mga nurse sa bansa.  

Just imagine kapag ini-spoof naman ni Chokoleit si re-electionist Sen. Koko Pimentel na nagpapaliwanag na hindi niya binugbog ang asawa niya o ‘di kaya naman bilang si Sen. Mirriam Santiago na gumagawa ng line-up ng type niyang manalo at makasama sa Senado, Matindi ‘di ba?

Last but not the least, ang kaabang-abang na pag-spoof ni K Brosas sa isa pa ring re-electionist na si Sen. Loren Legarda.

At alamin sa 4 DA VOTE concert  ang nakakatuwang interpretasyon nila sa mga salitang Trapo, Bimpo, Pasador at Basahan.

Ilan pa lang ‘yan sa mga matutunghayan sa riot na pagsasama-sama  muli nina Pokwang,  Pooh, Chokoleit at K.

Ang 4 DA VOTE ay hatid ng M2D Events at Viva Live. Mabibili ang tiket sa halagang P2,750, P2,200 at P1,650 sa  SM Tickets at Ticketworld. 

No comments:

Facebook Page


Manila Concert Scene on Google+

INSTAGRAM: @ManilaConcerts


Hey MCS!